Kapit-buhayan: Kabuhayan sa Pamayanan sa gitna ng Pandemya

Nagising nalang ang lahat na mayroon nang pandemya sa ating bansa. Ang gobyerno ay nagdeklara ng community quarantine para makontrol ang isang virus na kumitil ng buhay at nagdulot ng malawakang karamdaman sa buong kapuluan – maging sa ibang panig ng mundo. Isa sa mga nangangamba ay ang mga maliliit na negosyo dulot ng epekto ng pandemic na ito sa kalusugan at kabuhayan. Hindi nila alam kung paano na ang kanilang paninda at kung saan sila kukuha ng kanilang ititinda.

Kapit-buhayan: Kabuhayan sa Pamayanan sa gitna ng Pandemya
Kapit-buhayan: Kabuhayan sa Pamayanan sa gitna ng Pandemya

             “Ako si Kutil, isang manininda ng itlog. Nang bumungad ang epekto ng pandemya, nag-isip ako kung paano na ang negosyo ko. Maliit lang ang negosyo ko, pero ito ang ikinabubuhay namin. Paano ko kaya ito maiaalok sa aming komunidad? Lumipas ang araw, nakipag-usap ako sa aking mga tiyo at tiya kung ano ang dapat gawin sa aking paninda. Sabi ni Tiya, dapat pag-isipang mabuti kung paano mailalako o ititinda ang mga produkto sa ganitong sitwasyon, lalo na’t karamihan ay takot lumabas at takot mamili lalong lalo na ang mga matatanda.

            Isang umaga, habang ako ay nagpapalipas-oras sa labas ng bahay, pinagmasdan ko ang paligid at tinignan ang aking komunidad kung ano na ba ang sitwasyon. Sa hindi malamang kadahilanan kinausap ako ng isang matanda na kung pwede ba siyang makabili ng isang tray ng itlog at kung maaari rin ay magpapasama siyang ihatid sa kanilang bahay na malapit lang naman.

            Sa nangyari sa akin, naisip ko na dapat akong tumulong sa aking komunidad. Nakaisip ako na ang aking paninda ay dapat kong ihatid sa bawat bahay na bibili ng aking produkto. Sa ganitong paraan, makakatulong ako sa mga matatanda at sa mga ayaw lumabas upang bumili ng kanilang pangangailangan.

            Nagsimula akong mag-alok ng aking paninda sa aming komunidad, at sa isang iglap biglang dumami na ang naghahanap ng aking produkto. Ang iba ay pumupunta pa sa aming bahay para bumili at ipahatid sa kanilang lugar. Naisip ko rin na kausapin ang kapwa ko manininda na magsama-sama kaming mag-alok ng aming paninda nang sa ganoon ay hindi na lalabas pa ang mamimili sa kanilang bahay.

            Sa simpleng paraang aking naisip, naihatid sa bawat bahay ang aking produkto at ang produkto ng aking kapwa manininda para dumami pa ang aming mga suki.”

Sa ganitong kalagayan, ang mga micro at small enterprises ay malaki ang naitutulong sa ating komunidad. Sa pang-araw-araw nating pangangailangan sila ang ating natatakbuhan sa ganitong sitwasyon. Tunay ngang malaki ang tulong ng MSMEs na nakakaagapay natin sa ating pamayanan.

Ang kwentong inilahad ay hango sa tunay na karanasan ng mga maliliit na negosyante – sila ang mga Ate, Kuya, Manong, at Manang na nasa ating mga komunidad. Sila ang mga kapitbahay nating naghahanap-buhay para sa kanilang mga pamilya, at sa pamamagitan nito ay nakakapagbigay din ng serbisyo at produktong kinakailangan ng pamayanan.

 

Disclaimer:
The views expressed herein or in any article in the UP ISSI website are those of the authors and do not necessarily reflect the policies or opinions of UP ISSI nor the views of the University of the Philippines.

Regarding Accuracy of Information and Usage of Data:
Visitors and users of the UP ISSI website are advised that information contained within the website is assumed to be accurate. However, errors can occur even with computer-generated information. UP ISSI makes no representation regarding the completeness, accuracy, or timeliness of such information and data, or that such information and data will be error-free. Visitors are encouraged to review the official version of all documents on which they plan to rely on.
Share this:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *